Wikipedia:Usbong

Ang usbong (o stub) ay isang napakaikling artikulo, karaniwang isang talata lamang o mas maliit pa na nangangailangan ng atensiyon mula sa mga tagapag-ambag ng Wikipedia. Nilikha sila ngunit hindi pa sapat ang impormasyon upang maging isang totoong artikulong maituturing. Naniniwala ang komunidad na sa kung bibigyan lamang ng atensiyon ay makokompleto at magiging makabuluhan ang mga stub o usbong. Ito ang unang hakbang upang maging kompletong artikulo ang isang paksa o topic na makatutulong sa pagpapalawak ng nilalaman ng Wikipedia, ang Malayang Ensiklopedya.

Tumulong sa pagpapalawig o pagpapayabong pa ng mga artikulong usbong o stub ng Tagalog Wikipedia. Salamat.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne