Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Windows Vista | |
(Bahagi ng kamag-anakang Microsoft Windows) | |
Retrato | |
Larawan ng Windows Vista | |
Gumawa | |
Microsoft | |
Websayt: www.microsoft.com/windowsvista | |
Kaalamang pampaglalabas | |
Unang petsa ng paglalabas: | 8 Nobyembre 2006 |
Pangkasalukuyang beryson: | 6.0 (Build 6002) Service Pack 2 (30 Enero 2007) |
Huwarang pinanggagalingan: | Pinaghahating source |
Lisensiya: | MS-EULA |
Kernel: | Hybrid kernel |
Kalagayang pampagtaguyod | |
Kasalukuyan |
Ang Windows Vista ay isang bersyon ng Microsoft Windows, isang pamilya ng mga sistemang operatibo na ginagamit sa mga kompyuter na personal, pambahay man o pantrabaho. Bago ang anunsiyo noong 22 Hulyo 2005, ang Vista ay kilala sa codename nitong Longhorn. Noong 8 Nobyembre 2006, natapos ang paggawa ng Windows Vista at ito ay ni-release to manufacturing. Sa mga sumunod na buwan, ito ay ipinamahagi sa mga MSDN, TechNet Plus at TechNet Direct subscribers, mga manggagawa ng hardware at software ng mga kompyuter. Ito ay ipinamahagi sa mga publiko noong 30 Enero 2007.[1] at makukuha sa pagbili at pag-download mula sa websayt ng Microsoft.[2] Ito ay ipinamahagi mahigit limang taon ng pamamahagi ng Windows XP, na nagpatunay na ito ang pinakamahabang panahon sa gitna ng dalawang bersyon ng Windows.
Maraming mga bagong feature ang makikita sa Windows Vista, ang mga pinakamahalaga ay ang binagong graphical user interface at visual style na tinatawag na Windows Aero, pinaunlad na feature sa paghahanap, bagong mga programa sa paggawa ng multimedia tulad ng Windows DVD Maker, at binagong mga sub-system ng pagkokonekta sa network, pakikinig, pag-iimprenta at pagpapakita. Pinaunlad din ng Vista ang lebel ng komunikasyon sa pagitan ng mga makinerya sa isang home network sa pamamagitan ng teknolohiyang peer-to-peer, na nagpadali sa paghahati-hati ng mga file at digital media sa pagitan ng mga kompyuter at mga device. Para sa mga developer, isinama sa Vista ang .NET Framework 3.0. Mas madaling gamitin ng mga developer ang .NET Framework sa paggawa ng mataas na dekalidad ng mga applikasyon kaysa sa tradisyonal ng API ng Windows.
Ngunit, ang pangunahing layunin ng Microsoft para sa Vista, ay ang paunlarin ang estado ng seguridad sa sistemang operatibong Windows.[3] Isang pangkaraniwang puna sa Windows XP at sa mga sinundan nito ay ang maluwag na seguridad ng sistemang operatibo, na nagpadali sa pagpasok ng mga virus at trojan. Dahil dito, idineklara ni Bill Gates, pangulo ng Microsoft noong 2002 ang kampanyang Trustworthy Computing na naglalayon na mapahigpit ang seguridad sa bawat aspekto ng paggawa ng software sa kompanya. Sinabi ng Microsoft na mas binigyang-pansin nila ang pagpapaunlad ng seguridad ng Windows XP at Windows Server 2003 bago ang pagtatapos sa Windows Vista, na naging dahilan sa pagtagal ng produksiyon.[4]
{{cite web}}
: Check date values in: |date=
(tulong)
{{cite web}}
: CS1 maint: year (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: year (link)