Wuhan 武汉市 | |
---|---|
Mula taas, kaliwa-pakanan: Tulay ng Ilog Yangtze sa Wuhan, Budistang Templo ng Gude, Lumang Aklatan ng Unibersidad ng Wuhan, Toreng Yellow Crane | |
Palayaw: 九省通衢 [1][2] (Pinapayak na Tsino "Ang Lansangambayan ng Tsina") Ang Chicago ng Tsina[3][4][5] 江城 (Pinapayak na Tsino "Ang Lungsod na Ilog") | |
Bansag: | |
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Wuhan sa Hubei | |
Mga koordinado: 30°35′N 114°17′E / 30.583°N 114.283°E | |
Bansa | PRC |
Lalawigan | Hubei |
Tinirhan | 1500 BK |
Unang pinag-isa | 1 Enero 1927[6] |
Mga paghahati[6][7] Antas-kondado Antas-township | 13 distrito 156 subdistrito, 1 bayan, 3 mga township |
Pamahalaan | |
• Kalihim ng Partido | Ma Guoqiang |
• Alkalde | Zhou Xianwang (周先旺,agent)[8] |
Lawak | |
• Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod | 8,494.41 km2 (3,279.71 milya kuwadrado) |
• Urban (2018)[10] | 1,528 km2 (590 milya kuwadrado) |
Taas | 37 m (121 tal) |
Populasyon (2015) | |
• Antas-prepektura at Sub-probinsiyal na lungsod | 10,607,700 |
• Kapal | 1,200/km2 (3,200/milya kuwadrado) |
• Urban (2018)[10] | 7,980,000 |
• Metro | 19 milyon |
Demonym | Wuhanese; taga-Wuhan |
Mga wika | |
• Mga wika | Wikaing Wuhan, Pamantayang Tsino |
Pangunahing mga pangkat etniko | |
• Mga pangunahing pangkat etniko | Han |
Sona ng oras | UTC+8 (Pamantayang Tsina) |
Kodigong postal | 430000–430400 |
Kodigo ng lugar | 0027 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-HB-01 |
GDP[12] | 2018 |
- Kabuuan | CNY 1.485 trilyon USD 224.28 bilyon (8th) |
- Sa bawat tao | CNY 138,759 USD 20,960 (nominal) - 40,594 (PPP) (Pan-11) |
- Paglago | 8% (2018) |
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan | 鄂A 鄂O (kapulisan at mga awtoridad) |
Puno ng lungsod | Metasequoia[13] |
Bulaklak ng lungsod | Plum blossom[14] |
Websayt | 武汉政府门户网站 (Wuhan Government Web Portal) (sa Tsino); English Wuhan (in English) |
Ang Wuhan ([ù.xân] ( pakinggan); Tsinong pinapayak: 武汉; Tsinong tradisyonal: 武漢) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng lalawigan ng Hubei, Tsina.[15] Ito ang pinakamataong lungsod sa Gitnang Tsina[16] na may populasyon ng higit sa 10 milyon, ang pampitong pinakamataong lungsod ng bansa, at isa sa siyam na mga Pambansang Gitnang Lungsod ng Tsina.[17] Ito ay nasa silangang Kapatagan ng Jianghan, sa gitnang kahabaan ng tagpuan ng Ilog Yangtze sa Ilog Han. Bilang isang lungsod na nagmumula sa pagsasama ng tatlong mga lungsod, Wuchang, Hankou, at Hanyang, nakilala ang Wuhan bilang "Lansangang bayan ng Tsina" (九省通衢),[1] at hawak nito ang katayuang sub-probinsiyal.
Umaabot nang 3,500 taon ang kasaysayan ng Wuhan.[18] Ito ang kinalalagyan ng Himagsikan ng Wuchang, na humantong sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing at ang pagtatag ng Republika ng Tsina.[19] Panandaliang naging kabisera ng Tsina ang Wuhan noong 1927 sa ilalim ng kaliwang kapulungan pamahalaan ng Kuomintang (KMT) na pinamunuan ni Wang Jingwei.[20] Kalaunan ay naglingkod ang lungsod ay bilang kabisera ng Tsina sa kasagsagan ng digmaan noong 1937 sa loob ng 10 buwan, noong Ikalawang Digmaang Tsino-Hapones.[21][22] Noong Himagsikang Pangkalinangan, naganap ang isang armadong labanan sa pagitan ng dalawang magkasalungat na mga pangkat na naglalaban para sa kapangyarihan sa lungsod; ito ay naging kilala bilang Insidente sa Wuhan.
Kasalukuyang kilala ang Wuhan bilang sentro ng politika, ekonomiya, pananalapi, komersiyo, kalinangan, at edukasyon ng Gitnang Tsina.[16] Ito ay isang pangunahing pusod ng transportasyon, kalakip ng dose-dosenang mga daambakal, daan at mabilisang daanan na dumaraan sa lungsod at nag-uugnay sa ibang mga pangunahing lungsod.[23] Dahil sa napakahalagang gampanin nito sa panloob na transportasyon, minsang tinutukoy ang Wuhan bilang "ang Chicago ng Tsina" ng banyagang mga sanggunian.[3][4][5] Ang "Ginintuang Daanang-tubig" ng Ilog Yangtze at ng pinakamalaking sangay nito, ang Ilog Han, ay bumabagtas sa pook urbano at hinahati ang Wuhan sa tatlong mga distrito: Wuchang, Hankou, at Hanyang. Tumatawid sa Yangtze sa lungsod ang Tulay ng Ilog Yangtze sa Wuhan. Di-kalayuan matatagpuan ang Saplad ng Tatlong Bangin, ang pinakamalaking estasyon ng kuryente sa mundo ayon sa nakakabit na kapasidad.
Habang naging isang nakagisnang lugar ng paggawa ang Wuhan sa loob ng maraming mga dekada, isa na rin ito sa naging mga lugar na naghihikayat ng makabagong pagbabago sa industriya. Ang Wuhan ay binubuo ng tatlong mga pambansang sona ng pagpapaunlad, apat na siyentipiko at teknolohikong mga liwasang pagpapaunlad, higit sa 350 mga suriang pananaliksik, 1,656 na mga negosyo sa makabagong teknolohiya, maraming mga enterprise incubator, at mga pamumuhunan mula sa 230 Fortune Global ng 500 mga kompanya.[24] Nakalikha ito ng GDP na US$ 224 bilyon noong 2018. Nakahimpil sa lungsod ang Dongfeng Motor Corporation, isang tagagawa ng mga kotse. Tahanan din ang Wuhan ng maraming mga kilalang surian sa mataas na edukasyon, kabilang na ang Unibersidad ng Wuhan na pumapangatlo sa buong bansa noong 2017,[25] at ang Huazhong University of Science and Technology.
Dumanas ang Wuhan noon sa mga banta ng pagbaha,[26] na nagpa-udyok sa pamahalaan na maglunsad ng mga mekanismong absorsiyon na di-nakapipinsala sa kalikasan upang maibsan ang pagbaha.[27] Noong 2017, itinalaga ng UNESCO ang Wuhan bilang isang Malikhaing Lungsod sa larangan ng pagdidisenyo.[28] Ibinukod ng Globalization and World Cities Research Network ang Wuhan bilang isang Beta world city.
Dinaos ang 2011 FIBA Asia Championship sa Himnasyon ng Wuhan, at isa ito sa mga naging tagpo ng 2019 FIBA Basketball World Cup.[29] Idinaos din sa lungsod ang Ikapitong Military World Games mula Oktubre 18 hanggang 27, 2019.[30][31]
Magmula noong kahulihan ng Enero 2020, nasa ilalim ng paglo-lockdown ang lungsod dahil sa kamakailang paglaganap ng SARS-CoV-2.[32] Ipinalalagay ng ilan na lumitaw ang epidemya sa Pamilihang Pakyawan ng Pagkaing-dagat ng Huanan sa Distrito ng Jianghan, na nakasara na mula noon.[33] Tinatayang nasa limang milyong katao ang nakaalis ng lungsod bago nagsimula ang lockdown, na nag-udyok ng poot at pagbatikos sa pamahalaan dahil sa huling pagkukuwarentenas sa lungsod.[34][35]
武汉历史上就是"九省通衢",在中央促进中部崛起战略中被定位为"全国性综合交通运输枢纽"。
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)
2017年2月19日,在武汉市第十四届人民代表大会第一次会议上当选为武汉市政府市长。
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)p. 15
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang oecd2015
); $2{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)
1984 In the spring, Metasequoia was chosen as the "City Tree" of Wuhan, the capital of Hubei.
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang torchrelay
); $2{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)