Ang Y [malaking anyo] o y [maliit na anyo] (bagong bigkas: /way/, dating bigkas: /ya/) ay ang ika-25 na titik ng alpabetong Romano. Ito ang pang-26 na titik sa makabagong alpabetong Tagalog. Ito ang pang-20 titik sa lumang abakadang Tagalog.[1]
Ang sumasagisag sa tunog ng titik na Y (bigkas: /ya/) sa sinaunang baybayin o alibata ng Pilipinas.