Judea Yehud | |||||
Probinsiya ng Imperyong Neo-Babilonya | |||||
| |||||
Kabisera | Mizpah | ||||
Panahon sa kasaysayan | Imperyong Neo-Babilonya | ||||
- | Pagpapatapon sa Babilonya ca. 587/586 BCE | c. 586 BCE | |||
- | Pananakop ni Dakilang Ciro ng Imperyong Neo-Babilonya | c. 539 BCE |
Ang Yehud ay isang lalawigan ng Imperyong Neo-Babilonya na itinatag sa mga dating teritoryo ng nawasak na Kaharian ng Juda noong 587/6 BCE. Ito ay unang umiral bilang administratibong dibisiyong Hudyo ng Imperyong Neo-Babilonya sa ilalim ni Gedaliah. Pagkatapos bumagsak ang Imperyong Neo-Babilonya sa Persiyanong Imperyong Akemenida noong 539 BCE, ang Yehud ay isinama sa Imperyong Akemenida bilang isang nangangasiwa sa sariling Yehud Medinata.